
Ngunit kung ito ang magiging second major project ni Andi after Agua Bendita, ano kaya ang mangyayari sa talked about komic serye nitong “Galema ang Anak ni ZUMA? Ito kasi ang sinasabing ipang tatapat ng Dos sa Epic Serye ni Marian na Bai Amaya na isa sa mga offer ng GMA sa 2011 kasabay ng walang kamatayang Captain Barbel. Sayang naman kung hindi na itutuloy ang Galema na mukha namang maganda ang dating ng istorya.
Siguradong mas titindi pa ang labanan sa 2011 at mas aabangan sa takbo ng NETWORK WAR ang pagbabalik ng Pilipinas Got Talent at Biggest Losser sa tinakdang yayanig sa gabi sa unang buwan ng 2011!